Batas sa libreng medical check-ups lusot na sa Kamara

Batas sa libreng medical check-ups lusot na sa Kamara

June 1, 2021 @ 7:45 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Aprubado na sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang batas na magbibigay ng libreng annual medical check-ups sa mga Filipino.

Sa botong 245-0 nakalusot na ang House Bill 9072 o ang Free Annual Medical Check-up Act.

Naglalayon itong mabigyan ng karapatan sa kalusugan ang mga Filipino.

Kasama sa check-up ang blood sugar at cholesterol tests, at mga laboratory at diagnostic tests.

Saklaw ng batas ang mga miyembro ng PhilHealth sa ilalim ng Republic Act No. 11223 o ang Universal Health Care Law. RNT/ELM