Gasolina may P3.95 na taas-presyo bukas; Diesel, kerosene may tapyas!

May 23, 2022 @5:08 PM
Views:
6
MANILA, Philippines – Nag-anunsyo na kani-kanilang bawas-presyo sa petrolyo ang mga kumpanya ng langis.
Sa abiso, magpapatupad ang Chevron Philippines Inc. (Caltex), Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc. ng dagdag na P3.95 sa kada litro ng gasoline habang magtatapyas sila ng P2.30 sa diesel at P2.45 sa kerosene.
Parehong price adjustment din ang ipatutupad ng Cleanfuel, Petro Gazz, at Unioil Petroleum Philippines Inc.
Epektibo ang dagdag-bawas sa krudo alas-6:00 ng umaga bukas, Mayo 24 maliban sa Caltex na mas maagang magpapatupad ng price adjustment ng hatinggabi at ang Cleanfuel na alas-8:01 naman ng umaga.
Ito na ang ika-anim na linggong nagpatupad ng rollback sa krudo ngayong 2022. RNT/ JCM
NEDA chief ni PNoy ibabalik ni BBM sa cabinet post

May 23, 2022 @4:48 PM
Views:
11
MANILA, Philippines – Kinumpirma mismo ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na inalok niya si dating Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan na pamunuan muli ang National Economic Development Authority (NEDA).
“I have also tapped an old friend who’s also formerly in this position, Arse Balisacan, who is our former NEDA and I’ve asked him to return to NEDA,” saad ni Marcos sa press conference sa kanyang headquarters sa Mandaluyong City.
“I’ve worked with him extensively at the time when I was governor, we have very similar thinking in that regard kaya’t malakas ang loob ko, I know he’s very competent, I know his policies are policies that will be for the betterment of our country,” dagdag niya.
“For employment, for the development of our economy, nag-usap kami ng ilang oras at mukha namang tumutugma ang aming pag-iisip patungkol sa approach natin dito sa darating na mga taon when it comes to economic managers…” aniya pa.
Nabatid na nagsilbing NEDA chief si Balisacan sa ilalim ng administrasyon ni late President Benigno “Noynoy” Aquino III.
Samantala, binanggit din ni Marcos sa press conference na nais niyang pamunuan muli ni Bienvenido Laguesma ang Department of Labor and Employment (DOLE) habang si OFW advocate Susan “Toots” Ople bilang kalihim ng bagong Department of Migrant Workers (DMW).
Una nang sinabi ni Marcos na si presumptive Vice President Sara Duterte ang magsisilbing kalihim ng Department of Education habang si dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
Tinanggap na rin ng tagapagsalita nito na si Atty. Vic Rodriguez ang alok na maging cabinet secretary gayundin si Cavite 7th District Rep. Boying Remulla bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ). RNT/ JCM
Dalaga dinonselya ng katomang teacher

May 23, 2022 @4:30 PM
Views:
39
BULACAN – Arestado ang isang 27-anyos na teacher matapos gahasain ang nakainuman na dalagang call center agent sa bayan ng Norzagaray.
Kinilala ang suspek na si Glenn Solis ng Brgy. Partida, Norzagaray habang ang biktima ay itinago sa pangalang “Alayza”, 19-anyos ng Brgy.Encanto, Angat.
Sa report ng Norzagaray police, nangyari ang insidente bandang ala-1:00 ng madaling araw nitong Linggo, Mayo 22 sa bahay ng suspek.
Ayon sa report, magkasama ang suspek at biktima at ilang mga kaibigan na nag-inuman sa isang restobar.
Sa kasagsagan ng inuman ay nakaramdan ng pagkahilo si Alyza hanggang sa yayain ng suspek na umuwi na sila ng bahay.
Lingid sa kaalaman ng biktima ay dinala siya sa bahay ng suspek.
Nang makarating sa bahay ay doon siya inumpisahang halikan, hubaran at ipasok ang dalawang daliri ng suspek sa puwit ng dalaga.
Matapos ang insidente at mahimasamasan,umuwi ang biktima at nagsumbong sa kanyang kapatid na lalaki hanggang sa humingi sila ng saklolo sa pulisya kaya nahuli ang suspek kalaunan.
Nakatakdang ipasuri ang biktima sa Regional Forensic Unit para sa kanyang medico legal habang ang suspek na nakakulong ay nahaharap sa kasong rape. Dick Mirasol III
COVID sinisi sa hindi natapos na mga proyekto sa Valenzuela

May 23, 2022 @4:23 PM
Views:
33
MANILA, Philippines – Ibinunton ni outgoing Mayor Rex Gatchalian sa COVID-19 ang hindi pagkatapos ng kanyang mga proyekto sa Valenzuela City bago bumaba sa pwesto.
“Had the best laid out plans complete with timeline…lahat dapat tapos on or before June 30 kapag tapos ko as mayor. No project left incomplete. Then COVID happened,” ayon sa post ng alkalde sa social media.
Kabilang sa mga nasabing proyekto ang Dr. Pio Valenzuela House, Arkong Bato Park, Arkong Bato and Ugong 2 Disiplina Villages.
Naudlot din ang bagong Valpoly Campus, bagong Sto. Rosario Elementary School, bagong Karuhatan East Elementary School, bagong Pinalagad Elementary Campus, Pinalagad 3S Center, at bagong Malinis Bagbaguin Elem and High School.
“All these projects naumpisahan na pero baka hindi na umabot sa deadline ko na June 30. Delays due to COVID lockdowns,” ani Gatchalian. Merly Iral
Pagsasara ng border dahil sa monkeypox, ‘di oks kay Duque

May 23, 2022 @4:15 PM
Views:
36