Batas sa pagbili ng wildlife species sundin – Cimatu

Batas sa pagbili ng wildlife species sundin – Cimatu

January 27, 2022 @ 6:43 AM 8 months ago


MANILA, Philippines –  Pinaalalahanan ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang publiko na sumunod sa mga itinatakda ng batas sakaling bibili ng wildlife species.

Ang pahayag ni Cimatu ay kasunod ng pagkakumpiska ng Wildlife Traffic Monitoring Unit-Ninoy Aquino International Airport (WTMU-NAIA) ng DENR-National Capital Region (NCR) sa 25 tarantulas at 112 spiderlings matapos itong i-turnover ng Bureau of Customs (BOC) na nakatalaga sa NAIA.

Kaugnay nito ang mga tarantulas at spiderlings ay nakumpiska dahil sa paglabag sa Section 27 ng RA 9147 o ang o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001, particular sa “illegal trade of wildlife and relevant policies.”

Ang mga nakumpiskang wildlife species ay inilipat sa DENR-Biodiversity Management Bureau’s Wildlife Rescue Center para sa kustodiya.

“While RA 9147 comprehensively contains prohibitions and penalties on illegal wildlife possession and trade, the Act also indicates the legal measures of acquiring wildlife. Let us be reminded that the illegal possession of wildlife such as the tarantulas have serious penalties,” saad ni Cimatu.

Samantala, sinabi naman DENR-NCR Enforcement Division-Surveillance and Intelligence Section Chief Maricar Puno-Sanchez, dapat ay may kaukulang permits at dokumento ang siguraduhin bago bumili ng wildlife species upang matiyak na galing ito sa legal sources.

“When purchasing, ask the trader if he/she has a Wildlife Farm Permit (WFP) that authorizes operation and maintenance of a wildlife breeding farm for conservation, trade and/or scientific purposes; or a Certificate of Wildlife Registration (CWR), to ensure that the wildlife is from a legal source,” sabi ni Sanchez.

 “Under a CWR, local trade of non-threatened faunal species is allowed. Without a document that would prove a legal source of the wildlife, the buyer cannot register the particular wildlife with our office and be issued a Certificate of Wildlife Registration to legitimize possession. You can call the DENR-NCR to verify who are or which establishments are holders of Wildlife Farm Permit and Certificate of Wildlife Registration,” giit pa niya.

“More than anything, the requirements, and penalties all boil down for the protection and conservation of our biodiversity, which in the end affects our health. Let us remember that the coronavirus has reportedly come from wildlife and it is still present around us,” babala pa ni Cimatu.

Ang pinakamabigat na parusa ay para doon sa mga napatunayang pumatay ng critically endangered wildlife na may kaparusahang anim na taon at isang araw na pagkakakulong hanggang 12 taon at/o pagbayad ng multang P100,000 hanggang P1 milyon.

Anim na buwan hanggang isang taon ng pagkakabilanggo naman ang parusa sa pagbiyahe ng wildlife at/o multang P50,000 hanggang P100,000. Santi Celario