Batas sa paggamit ng body cameras sa search, arrest warrants oks na sa SC

Batas sa paggamit ng body cameras sa search, arrest warrants oks na sa SC

July 10, 2021 @ 4:29 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Inaprubahan ng Supreme Court (SC) ang resolusyon na nagsasaad ng batas para sa mandatoryong paggamit ng body-worn cameras sa pagsasagawa ng search at arrest warrants.

 

Pinalawig ng SC en Banc ang guidelines sa ilalim ng Administrative Matter 21-06-08-SC na may date na June 29, 2021.

Sa ilalim ng resolusyon, dapat may suot na isang body-worn camera ang law enforcers at isang alternatibong recording device.

Sa usapin naman ng arrest warrants, nakamandato ang law enforcers na ipaalam sa aarestuhin at iba pa ang eksekusyon ng warrant of arrest ay inirerekord.

“Failure to observe the requirement of using body-worn cameras or alternative recording devices shall not render the arrest unlawful or render the evidence obtained inadmissible,” lahad ng SC.

Para sa search warrants, mandato rin sa law enforcers ang ipaalam sa lawful occupants na ang kanilang warrant at aprubado ng korte at inirerekord habang isinasagawa ng operasyon.

“Failure to observe the requirement of using body-worn cameras or alternative recording devices, without reasonable grounds, during the execution of the search warrant shall render the evidence obtained inadmissible for the prosecution of the offense for which the search warrant was applied.” RNT/FGDC