Batasan complex – handa na sa SONA, Pangulong Duterte, pinayuhang ‘wag harapin ang mga raliyista

Batasan complex – handa na sa SONA, Pangulong Duterte, pinayuhang ‘wag harapin ang mga raliyista

July 15, 2018 @ 4:16 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Pinayuhan ng House of Representatives Sergeat-at-Arms ang mga nakapaligid kay Pangulong Duterte na seguridad na payuhan itong huwag ng harapin ang mga raliyista gaya ng kaniyang ginawa matapos ang kaniyang state of the nation address noong nakaraang taon.

Bahagi ito ng security preparations na inilalatag sa Batasan Complex kung saan tuloy ang pakikpag-usap ng House security sa presidential units lalo na sa mga opisyal na huwag ng payagan ang pangulo na harapin ang mga raliyista para na rin sa kaligtasa ng pangulo at ng bansa.

Sa halip ay iminungkahi ni House Sergeant-at-Arms (Ret) Lt. Gen. Roland Detabali na makabubuti aniyang imbitahan na lamang ang mga lider ng raliyista sa loob ng Batasan pagkatapos ng SONA.

Kumpiyansa naman si House Secretary-General Atty. Cesar Strait Pareja, Chairman ng SONA 2018 Steering Committee sa pagsasabing handa na ang Malaking Kapulungan ng Kongreso para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 23.

Ito ay para sa loob at labas ng Batasan Complex kung aniya ay nakaltag na ang seguridad at iba pang paghahanda.

“Just to assure you, based on what we have been doing before, we prepare for the worst but we expect the best. We hope for the best, but we are ready in case anything happens,” ani Pareja.

Sinabi pa ni Pareja  na nagtutuloy-tuloy ang paghahanda ng HOR at  Senate Secretariat para sa inaasahang taunang event ng Kongreso, ang SONA at ang pagbubukas ng Third Regular Session.

Idinagdag pa ni Detabali na kumpiyansa siya pwersa mula sa Philippine National Police na tutulong na magbibigay ng seguridad sa Batasan Complex, sa mga kagamitan ng mga ito at naging karanasan sa Marawi.

Pagdating aniya sa pagmamando sa daloy ng trapiko ay nakalatag na rin ang mga nakatalagang ahensya para dito.

Katulad aniya ng mga nagdaang taon, tatlong araw bago ang SONA ay magkakaroon ng lock-down sa buong Batasan Complex na ang maaari lamang makapasok ay ang mga nagsasaayos o may kinalaman sa paghahanda para sa naturang event.

Kasabay nito ay tiniyak ni Pareja na napadalhan na ng imbitasyon si Vice President Leni Robredo na kabilang sa pinaghahandaan ng grupo ni Pareja ang pagdalo ng pangalawang pangulo.

Inaasahang mauukopa ang may 1,500 na upuan sa plenary hall ngunit nagdagdag pa ng pabibagong 1,500 para sa mga bisita.

“So we just doubled the number of seats, based on the limit allowed by our Bureau of Fire Protection. They do not want to crowd the area which could be hazardous also to our guests,” ani Pareja. (meliza maluntag)