Batasan Complex idineklarang ‘no-fly zone’ para sa SONA ni PBBM

Batasan Complex idineklarang ‘no-fly zone’ para sa SONA ni PBBM

July 22, 2022 @ 3:34 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) nitong Biyernes na ipatutupad nito ang limited at no-fly zones sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City at sa immediate vicinity mula Hulyo 23 hanggang 25.

Ikinasa ito to “ensure security and safety during the first State of the Nation Address (SONA) of President Ferdinand Romualdez Marcos Jr. on July 25 (Monday),” pahayag ng CAAP.

Ayon pa sa ahensya, naglabas na ito ng NOTAM o “Notice to Airmen B2088/22” bilang abiso sa nasabing kaganapan.

Ayon sa CAAP, mula Hulyo 23, 2022, alas-2 ng hapon hanggang alas-5 ng hapon hanggang Hulyo 25, 2022, ala-1 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi, “all unauthorized aircraft and unmanned aerial vehicles (UAVs) within five nautical miles radius from the surface of Batasan Pambansa in Quezon City will be temporarily restricted.”

“Training flights of flying schools within Luzon are also suspended from July 23, 2022 at 2 p.m. to 5 p.m. to July 25, 2022 1 p.m. to 7 p.m.,” dagdag nito.

Inaasahan din ang pagkaantala sa  arrivals at departures sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa restriksyon para sa SONA, base pa sa CAAP.

Inilagay ang Batasan Pambansa Complex sa lockdown bilang bahagi ng seguridad sa unang SONA ni Marcos.

Halos 1,200 indibidwal ang papapasukin sa Kamara, kabilang ang mahigit 300 kongresista, 24 senador, at miyembro ng diplomatic corps. Subalit, limitadong bilang lamang ng mga panauhin at mga mamamahayag ang papayagan sa gallery.

Mahigit 21,000 security forces naman ang magbabantay sa SONA, ayon sa (PNP) Philippine National Police. RNT/SA