Batasan Complex inihahanda na sa huling SONA ni PRRD

Batasan Complex inihahanda na sa huling SONA ni PRRD

July 6, 2021 @ 1:13 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Todo na ang ginagawang paghahanda sa Batasan Complex para sa ika-anim at pinakahuling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Patuloy na pinamumunuan ni House  Speaker Lord Allan Velasco ang iba’t ibang inisyatiba na tutuos sa mga matagumpay na lehislasyon na isinulong ng administrasyong Duterte.

“Even before the pandemic hit, we were able to pass laws on universal health care, free tertiary education, establishment of Malasakit Centers, expanded maternity leave, free public internet access and the bangsamoro Organic Law, to name a few,” ayon kay Velasco.

Sinabi ni Velasco na ang Kapulungan at Ehekutibo ay magkatuwang na nagtrabaho upang makagawa ng mga batas na nakatulong sa pagtugon at nagpagaan sa epekto ng socio/ekonomiya dulot ng nararanasang krisis sa pampublikong kalusugan, tulad ng mga batas sa Bayanihan, General Appropriations Act of 2021, at COVID-19 Vaccination Program Act.

“Most of our colleagues in Congress agree that we should give credit where it’s due, and the truth is that there were a lot of key legislative measures enacted during PRRD’s term.”

Kasabay nito ay nanawagan ang speaker sa mga kapwa mambabatas na makibahagi sa pre-SONA campaign na tinawag na “Sa Lahat ng Pagbabago, Salamat Pangulo! (A Pre-SONA Tribute by the 18th Congress),” na nagtatampok ng mga pangunahing programa at polisiya na ipinatupad sa iba’t ibang distrito ng lehislatura sa buong bansa, sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Si 4th District Pangasinan Rep. Christopher “Toff” de Venecia ang naitalaga bilang Direktor ng Proyekto para sa naturang kaganapan maging ng mga pangunahing personalidad sa bawat rehiyon at sa mga samahan ng party-list para sa koordinasyon.

Sa ngayon ang bawat mambabatas ay naatasang magbahagi ng 60 hanggang 90 segundo ng video gamit ang temang “Mula sa inyong Kongreso, Progreso para sa Pilipino.”

Bawat video ay magpapakita ng mga pangunahing programa ng distrtito at mga mambabats mula sa party-list na ipinatupad at isinagawa simula nang manumpa sa tungkulin si Pangulong Duterte.

Ang mga naturang video ay mapapanood sa opisyal na Facebook page ng Kapulungan ng mga Kinatawan simula sa ika-5 ng Hulyo. Isang 84 na segundong video naman na nagtatampok kay Speaker Velasco at ang kinakatawan niyang Lone District ng Marinduque ang maghuhudyat ng pagsisimula ng pre-SONA campaign. Meliza Maluntag