Batikang brodkaster Dong Puno, yumao na; Makalanyang nakidalamhati

Batikang brodkaster Dong Puno, yumao na; Makalanyang nakidalamhati

February 16, 2022 @ 6:30 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Nagpaabot ng pakikidalamhati at pakikiramay ang Malakanyang sa pamilya, kaibigan, at kasamahan sa trabaho ni dating Press Secretary Ricardo “Dong” Puno, Jr., na pumanaw ngayong araw, February 15, sa edad na 76.

“A lawyer by profession, Sec. Puno was a respected member of the media prior to and after serving under the administration of former President Joseph Estrada.,” ayon Kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Kilala sa kanyang paging matalino, insightful interviews, kinilala si Sec. Puno sa kanyang napakaraming katangian para sa kanyang trabaho sa public affairs programs na nakatulong na makapagbigay sa publiko ng “better understanding” sa mga tinatawag na “issues of the day.”

“Our thoughts are with the loved ones of Sec. Puno as we join them in praying for his eternal repose,” ani Nograles.

Sa ulat, kinumpirma ng dalawang anak ng beteranong broadcaster at dating press secretary na namayapa na ang kanilang ama.

Ayon sa kanyang dalawang anak na sina Ricky at Donnie, 12:15pm ngayong araw nang pumanaw ang kanilang ama dahil sa iniindang karamdaman.

Kilala si Dong Puno bilang dating public affairs host, media executive, newspaper columnist, at isang abogado.

Ilan sa kanyang nga naging ABS-CBN shows ay ang “Dong Puno Live”, “Viewpoints”, at “Insider”.

Taong 2000 nang i-appoint siya ng dating presidente Joseph “Erap” Estrada bilang press secretary bago ito tumakbo sa pagkasenador noong sumunod na taon ngunit sa kasamaang palad ay natalo ito at nagbalik na lamang sa Kapamilya network. Kris Jose