Bato: Drug lords ‘di titigil hangga’t walang death penalty

Bato: Drug lords ‘di titigil hangga’t walang death penalty

July 30, 2020 @ 9:00 AM 5 days ago

Share

Manila, Philippines – Naniniwala si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na kailangan ng death penalty para tuluyang matigil ang usapin ng droga sa bansa sa kabila ng pagiging epektibo ng kampanya kontra droga.

“Masasabi ko po na very effective ang Oplan Tokhang pero kaya nga patuloy pa rin pumapasok ang droga sa ating bansa dahil nga itong business na ito ay very lucrative… kaya itong mga drug lord ay hindi talaga hihinto sa kanilang mga negosyo hangga’t hindi maibalik ang death penalty,” ani Dela Rosa.

“Kahit nasa loob na sila ng Bilibid, nakakulong na sila, patuloy pa rin ang kanilang negosyo sa droga.”

“‘Yang mga drug lord na ‘yan na nasa loob ng Bilibid, kung ‘yan ay pinagbibitay na natin noon pa, matagal na sanang nawala itong ating problema sa droga. Sinong magpapapasok dito ng droga? Sila!” dagdag pa ni Dela Rosa.

Maaalalang sa ikalimang State of the Nation Address ni President Rodrigo Duterte, hinikayat niya ang Kongreso na pahintulutan ang lethal injection sa mga drug convicts.

“Kung wala sanang problema sa drug trafficking I will not author this bill. To tell you frankly, because ako rin ay ayaw rin ng kamatayan gusto ko buhay tayong lahat walang mamamatay pero kung kinakailangan na maging anti-bad life tayo in order to become a pro-good life then I have to make a stand,” lahad pa ng Senador. RNT/FGDC

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...