Bato hinamon si Guanzon: Pangalan ang dapat pangalan

Bato hinamon si Guanzon: Pangalan ang dapat pangalan

January 30, 2022 @ 11:19 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – ‘Name, names’

Ito ang naging hamon ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa kay Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon.

May kinilaman ito sa ibinunyag ni Guanzon na posibilidad na senador ang nasa likod umano ng nabalam na pagpapalabas ng desisyon sa disqualification case ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Nauna na ring sinabi ni Senate President Vicente C. Sotto III na mas mainam kung papangalanan ni Guanzon ang senador na ito, ‘’otherwise we will all be suspect.’’

Sa parte naman ni Dela Rosa, sinabi niyang imposibleng siya ito dahil hindi naman siya maimpluwensya o makapangyarihang tao.

Giit pa niya ano naman ang magiging benepisyo sa kanila kung pakikialaman nila ang nasabing isyu, “for what reason?’’ dagdag pa niya. RNT