Bato iginiit ang multi-tasking; death penalty ituloy kahit may COVID-19

Bato iginiit ang multi-tasking; death penalty ituloy kahit may COVID-19

July 30, 2020 @ 9:37 AM 5 days ago

Share

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na kaya naman ang multi-tasking at hindi dapat maging hadlang ang coronavirus disease 2019 o COVID-19 pandemic na pag-usapan sa Senado ang death penalty para sa drug traffickers.

“Number one priority pa rin natin ang COVID-19 but Mr. President, with all due respect, itong ating Senado naman ay puwede mag-multi-tasking. Hindi naman ibig sabihin na stuck tayo sa ibang gagawin, focus tayo sa COVID-19,” lahad ni Dela Rosa.

“It [COVID-19] doesn’t stop us from performing our mandate na gumawa ng batas pertaining to other pressing issues. Hindi po ako sang-ayon na hihinto na lang tayo. Hihinto ang pag-ikot ng Senado dahil sa COVID-19,” dagdag pa nito.

Ito ang naging pahayag ng senador laban sa mga pahayag ni Senator Kiko Pangilinan.

Lahad pa ni Dela Rosa, dapat bumoto ng ‘yes’ si Pangilinan sa Bayanihan 2 kung talagang may malasakit siya sa pandemyang kinakaharap ng bansa.

“Kung gusto mo talaga na matulungan ang ating mga kababayan para makabangon dito sa pandemyang ating kinakaharap, sana tayo lahat ay bumoto doon sa Bayanihan 2 na ‘yun dahil ‘yan talaga ang purpose ng Bayanihan 2 na ‘yun, para makabangon ang Pilipinas.”

“Ipinaliwanag naman natin kahapon ang dahilan ng ating pagboto… so palagay ko on record na ‘yun,” tugon naman ni Pangilinan. RNT/FGDC

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...