Bato nakisimpatiya sa pamilya ng biktima ng drug war; Kaso haharapin sa korte

Bato nakisimpatiya sa pamilya ng biktima ng drug war; Kaso haharapin sa korte

August 3, 2022 @ 4:50 PM 1 week ago


MANILA, Philippines-  Bukod sa nakikisimpatiya sa pamilya ng biktima ng war on drugs na inilunsad nang nanunungkulan bilang hepe ng pulisya, tiniyak ni Senador Ronaldo Dela Rosa na kanyang haharapin sa korte ang anumang kasaong isasampa laban sa kanya.

Sa panayam, sinabi ni Dela Rosa na kasama siya ng pamilya ng biktima ng war on drugs sa paghahanap ng katarungan sa pagkamatay ng libu-libong small time pusher at usher mula 2016 hanggang 2019.

“Kasama po nila ako. Sabihin niyo lang ano maitutulong ko sa inyo. Andito po ako,” ayon kay Dela Rosa sa panayam.

“Kasi ako ayoko rin talagang merong abusong ginagawa lalong lalo na ang ating kapulisan. Pero my God, my God, pasensya na kayo kung magkakaiba ang paningin natin,” giit pa ng senador.

Sinabi ni Dela Rosa na dalawang korte lamang ang kanyang haharapin: Ang ating korte dito sa Pilipinas at ang ating korte doon sa langit.

“Hindi ako magpapa-under sa korte ng mga banyaga,” aniya.

Kasalukuyang iniimbestigahan ang International Criminal Court (ICC) ang war on drugs ng Duterte Administrationa na kung saan chief implementor si Dela Rosa na tinatayang aabot sa 6,000 ang napatay ayon sa data ng pamahalaan.

Pero, tinataya ng ICC prosecutor na aabot mula 12,000 hanggang 30,000 sibilyan ang napatay sa drug war sa pagitan ng 2016 hanggang 2019.

Samantala, nagpahayag naman ng kagalakan si Dela Rosa sa desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hindi na muling sumali sa ICC dahil “buhay na buhay at kumikilos naman ang ating korte.”

Umamin din ang dating pulis na hindi pa siya kumukuha ng sariling abogado dahil kumpiyansiya na hindi magtatagumpay ang imbestigasyon.

“Unang-una naman talaga (In the first place), I don’t see crimes against humanity happening here in the Philippines. I hope ICC will respect our sovereignty through the observance of Article 1, the principle of complementarity,” aniya.

“Alive and kicking ang ating mga korte, gumagana po…Talaga bang pakiramdam niyo kayo ICC, you are supreme, you can exercise supremacy over the Supreme Court?” Ernie Reyes