Bato sa pag-alis ng ceasefire: Gobyerno nagising na

Bato sa pag-alis ng ceasefire: Gobyerno nagising na

December 8, 2020 @ 7:02 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Ayon kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa nagising na ang pamahalaan sa pag-alis ng ceasefire sa New People’s Army (NPA).

“That kind of government attitude towards ceasefire is long overdue. The government has finally awakened from deep slumber characterized by deceitful means employed by the CPP-NPA-NDF (Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front),” ayon sa mensahe ni Dela Rosa.

Matatandaang si Dela Rosa ay isang dating mataas na opisyal sa kapulisan.

Sang-ayon din dito si Senator Panfilo Lacson, dating PNP chief.

“Since peace talks are now localized, ceasefire with the NPA rebels is better discussed at the local level as well, probably on a case-to-case basis,” saad nito sa isang mensahe.

“Rebels who may wish to lay down their arms but wouldn’t know how to go about it could find confidence to do so if a localized ceasefire is in force,” dagdag ni Lacson.

Sa public address ni Pangulong Duterte kagabi, tuluyan na nitong tinapos ang ceasefire hanggang sa matapos ang kanyang termino.

Binasura na rin nito ang peace talk sa mga NDF. RNT/ELM