Bato suportado ni Tolentino sa paglikha ng permanenteng NTF-ELCAC

Bato suportado ni Tolentino sa paglikha ng permanenteng NTF-ELCAC

July 22, 2022 @ 5:54 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Suportado ni Senador Francis Tolentino ang panukala ni Senador Ronald Dela Rosa na lumikha ng permanenteng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) upang maging sustainable ang pangmatagalang kapayapaan hindi lamang nakabase sa patakaran.

Sa pahayag, sinabi ni Tolentino na dapat ipagpatuloy ng inter-agency body ang paghahanap sa kapayapaan at kaunlaran.

“Give this project time. Hindi ito kaya ng dalawang taon, tatlong taon. We need the realization of concrete results from what the people will appreciate and what the government can provide,” ayon kay Tolentino.

Aniya, magreresulta ng kaukulang resulta kapag nagkaroon ng sustainable deal ang naturang ahensiya.

Naunang ipinanukala ni Dela Rosa ang paglikha n g permanenteng ELAC Act upang magkaroon ng sandata ang bansa sa pagsugpo sa insurhensiya at tiyakin na mabubuwag ang Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) at mga front organizations.

Nakalista bilang terrorist organization ang CPP-NPA sa United States, European Union, United Kingdom, Australia, Canada, New Zealand, at Philippines.

Itinuring din ng Anti-Terrorism Council ang NDF bilang terrorist organization noong June 23, 2021, dahil ito “an integral and inseparable part” ng CPP-NPA na nilikha noong April 1973.

“I just want to achieve continuity of the ELCAC programs. Basically, this is just the same with the EO (Executive Order) 70 signed by (former) President (Rodrigo) Duterte. I just want to put it into legislation so that whoever sits as the President, it doesn’t matter. The law is already there so the ELCAC programs will continue,” ayon kay dela Rosa sa interview.

Layunin n g ELCAC Act na maging permanenteng ahensiya ito sa kabila ng pagbabago ng pambansang liderato at bibigyan ng taunanng pondo mula sa General Appropriations Act. Ernie Reyes