‘Bawal sando, shorts’ sa Basco airport sinita ng gobernador

‘Bawal sando, shorts’ sa Basco airport sinita ng gobernador

December 22, 2022 @ 7:56 AM 2 months ago


BATANES – Pinarerekonsidera ng pamahalaang panlalawigan sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang ipinatutupad na “overzealous dress code” o mahigpit na dress code sa mga paliparan rito, kabilang ang sa Basco Airport sa Batanes.

Base kasi sa patakaraan ng CAAP, pinagbabawal ang pagsusuot ng sando, shorts, at tsinelas, bukod sa iba pa para sa mga bibisita sa paliparan.

Sinabi ni Batanes Gov. Marilou Cayco, sa kanyang dalawang pahinang email sa mga opisyal ng CAAP noong Disyembre 16, na ang isla-probinsya ay “being a small community composed mostly of indigenous peoples, we are not used to dressing casually whenever we accompany or fetch our loved ones when they travel or when they send perishable goods via plane,” she said.

Idinagdag ni Cayco na ang “overzealous na pagpapatupad ng dress code policy” sa Basco Airport ay diskriminasyon sa mga katutubo.

Sinabi ni Cayco na bagama’t kapuri-puri ang patakaran, ito ay naaangkop lamang sa mga limitadong transaksyon sa negosyo ng CAAP o sa mga may opisina sa loob ng lugar.

Sa Basco Airport, gayunpaman, sinabi ni Cayco na maraming mga Ivatan ang dismayado sa patakaran.

“Kahit na ang mga tricycle drivers, both private and those for hire, are now required to be compliant with the dress code,” dagdag pa ni Cayco. RNT