Bawang sa Batanes labis; mamimili kulang!

Bawang sa Batanes labis; mamimili kulang!

September 7, 2022 @ 7:14 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Halos 25 metric tons ng bawang sa Itbayat, Batanes aang nagbabadyang itapon ng mga magsasaka sa kakulangan ng mga mamimili.

Batay sa ulat nitong Martes, humihingi ng tulong ang mga magsasaka na ibenta ang kanilang ani sa halip na mapatapon lamang.

Ang probinsya ay mayroong 60 metric tons ng bawang. Binili ng munisipalidad ng Itbayat ang halos 13.5 metric tons ng root vegetable upang suportahan ang mga magsasaka.

Subalit, nangangamba ang mga magsasaka na mabubulok ang mga natitirang bawang kapag hindi agad nabenta.

Puno na rin ang storage facility ng provincial agriculture office, base sa ulat.

Upang tugunan ito, nakipag-ugnayan na ang lokal na pamahalaan sa maliliit na negosyo upang ipagamit ang kanilang espasyo sa pagtatago ng stocks.

Samantala, umapela ang mga magsasaka sa publiko na huwag baratin ang presyo ng bawang upang mabawi nila ang kanilang puhunan. RNT/SA