Bawas-income tax oks sa labor group, pero…

Bawas-income tax oks sa labor group, pero…

December 28, 2022 @ 11:22 AM 4 weeks ago


Kinikilala ng isang labor groups ang bagong tax rate sa 2023 para sa mga manggagawang Pilipino.

Gayunman, sinabi ni Jerome Adonis, secretary general ng Kilusang Mayo Uno na sa pagbaba ng buwis ay kaunti lamang ang makikinabang dahil marami pa rin ang  sumasahod ng minimum wage.

Kailangan aniya ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa at P1,100 kada araw ang minimum wage.

Panawagan ng kanilang grupo, tanggalin na ang excise tax at expanded value added tax.

Aniya, may confidential at intelligence funds ng gobyerno na maaring pagkunan ng pondo. Jocelyn Tabangcura-Domenden