Bawas-presyo sa diesel, gasolina asahan!

Bawas-presyo sa diesel, gasolina asahan!

December 3, 2022 @ 12:46 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Posible ang bawas-presyo ng hanggang P2 kada litro sa diesel at gasolina sa susunod na linggo.

Ito ang sinabi ng oil industry sources kung saan ito na ang ikatlong sunod na rollback sa mga produktong petrolyo.

Inaasahan na matatapyasan ng P1.70 hanggang P2 kada litro ang presyo sa diesel samantala ang presyo naman ng gasolina ay may inaasahang P1.90 hanggang P2.10 na bawas sa kada litro.

Dagdag pa, P1.30 hanggang P1.60 naman kada litro ang mababawas sa presyo ng kerosene.

Ayon sa industry experts, dulot ng mababang demand sa langis dahil sa COVID-19 restrictions sa China ang dahilan ng bawas-presyo. RNT/JGC