Bawas-presyo sa LPG ikakasa ng Petron sa Mayo 1

Bawas-presyo sa LPG ikakasa ng Petron sa Mayo 1

April 30, 2022 @ 4:44 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Petron Corp. nitong Sabado ang big-time rollback sa presyo ng household at auto liquefied petroleum gas (LPG) products nito.

Sa isang abiso, sinabi ng Petron na ipatutupad nito ang P5.75 kada kilong rollback sa household LPG prices, na epektibo pagsapit ng alas-12:01 ng hatinggabi sa Mayo 1.

Katumbas ang price adjustment ng price reduction na P63.25 para sa tipikal na 11-kilogram cylinder.

Batay sa datos ng Department of Energy, pumapalo ang presyo ng 11-kilogram LPG tank sa pagitan ng P915.75 at P1,135.75.

Inanunsyo rin ng Petron na mababawasan ang presyo ng AutoLPG nito ng P3.22 kada litro.

“These reflect the international contract price of LPG for the month of May,” sabi ng kompanya. RNT/SA