Pasok sa Cataingan, Masbate, suspendido sa bakbakan ng Army, NPA

March 23, 2023 @10:02 AM
Views: 7
MANILA, Philippines – Naglabas ng emergency memorandum order nitong Miyerkules, Marso 22, ang alkalde ng Cataingan, Masbate para suspendihin ang pasok sa mga paaralan sa nasabing bayan kasunod ng bakbakan sa pagitan ng mga miyembro ng New People’s Army at mga militar.
Ang memorandum ay ibinigay ni Cataingan Mayor Felipe Cabataña, na siya ring chair ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDDRMC), “to all concerned school heads and Punong Barangay (Barangay chairmans) of the municipality.”
Saad sa memo na suspendido ang klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan, “until further notice.”
Sa kabila nito, hindi naman kasama sa memo ang mga barangay ng Aguada, Concepcion, Curvada, Domorog, Gahit, Madamba, Malobago, Matayum, Mintac, Pawican, Poblacion, Quezon, San Pedro, Sta. Teresita, Sto. Niño at Tagboan.
Hindi naman ipinaliwanag sa memo kung bakit hindi kasama ang mga nabanggit na barangay.
“All school heads and barangay authorities are hereby advised to take all precautionary measures to prevent any untoward incident, particularly to the pupils, students, and civilians,” saad sa memorandum.
Matatandaan na Miyerkules ng umaga ay naganap ang sagupaan sa pagitan ng mga sundalo at mga rebelde habang isinasagawa ang flag-raising ceremony sa Placer, katabing bayan ng Cataingan.
Ani Bernadette Borbe, guro sa Locso-an Elementary School sa Barangay Locso-an, Placer, bandang 7:40 ng umaga ay kumukuha sila ng larawan para sa selebrasyon ng Women’s Month nang bigla na lamang may sumabog kasunod ng mga putok ng baril na narinig malapit sa paaralan.
“We were scared when we heard the explosion and gunfire. The teachers and other students ran inside the classroom. In every classroom, there were advisers and interns from Cataingan Municipal College to support the students who were crying out of fear,” ani Borbe.
Noong Lunes naman, Marso 21, nangyari rin ang sagupaan sa Barangay Villahermosa, Cawayan kung saan napatay dito si Corporal Antonio Parreño Jr. ng 2nd Infantry Batallion. RNT/JGC
Abalos sa mga barangay captain: Anti-drug program ng pamahalaan, talakayin

March 23, 2023 @9:49 AM
Views: 16
MANILA, Philippines – Hinimok ni Interior Secretary Benhur Abalos ang mga kapitan ng barangay na pag-usapan at imbitahan ang kanilang mga residente upang suportahan ang Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) program ng pamahalaan.
Sa kaniyang speech sa Barangay Assembly Day noong Lunes, Marso 20, hinimok ni Abalos ang mga komunidad na maging BIDA advocates at sama-samang labanan ang illegal na droga.
“Gamitin natin ang makabuluhang pagtitipon na ito upang tulungan ang buong pamahalaan para mapababa ang demand sa iligal na droga at sisimulan natin yan sa ating mga pamayanan. Naniniwala ako na kaya nating gawin ito basta’t magtutulungan tayo,” aniya.
Ayon kay Abalos, magandang pagkakataon ang barangay assembly upang maabot ang mga residente sa komunidad at ipaliwanag ang kahalagahan ng kooperasyon sa pagitan ng mga ahensya ng pamahalaan, local governments, barangay at iba’t ibang sektor, maging ang publiko upang labanan ang illegal na droga sa pamamagitan ng BIDA program.
Aniya, ang estratehiya na ito ng programa ay holistic at nakatutok sa rehabilitasyon.
“Hiling natin na tulungan tayo ng ating mga kababayan hanggang sa mga barangay upang mas lumakas pa at maging epektibo ang ating kampanya sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon sa mga susunod na BIDA activities,” sinabi pa ni Abalos.
Ayon sa kanya, marami rin ang mga nakilahok sa matagumpay na paglulunsad ng BIDA Fun Run at Service Caravan noong Pebrero 27 sa Mall of Asia, Pasay City na dinaluhan ng 16,245 BIDA advocates habang nasa 10,000 partisipante naman ang nakilahok sa fun run sa Laguna.
Sa pamamagitan ng Memorandum Circular No. 2023-032, inaabisuhan ni Abalos ang lahat ng mga alkalde at kapitan ng barangay na siguruhin ang pagdaraos ng Barangay Assembly Days, na obligado sa
ilalim ng Local Government Code and Proclamation No. 599-2018, tuwing Sabado o Linggo ng Marso at Oktubre. RNT/JGC
Sa kabila ng babala ng China, PBBM nanindigan sa karagdagang EDCA sites

March 23, 2023 @9:36 AM
Views: 16
MANILA, Philippines – Pinanindigan at kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na papayagan nito ang Estados Unidos na magkampo ang tropa nito at mga kagamitan sa apat pang bagong sites sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ito’y sa gitna ng naging babala ng China na ang pagpayag sa mas marami pang sites sa ilalim ng PH-US Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ay makapagdudulot ng malubhang pinsala sa Pilipinas.
“There are four extra sites scattered around the Philippines. There are some in the north. There are some around Palawan. There are some further south,” ayon kay Pangulong Marcos sa pagdiriwang ng ika-126 anibersaryo ng Philippine Army.
Hindi naman binanggit ng Pangulo ang mga bagong lokasyon subalit matatandaang noong 2014 ay pinayagan na ng EDCA ang Estados Unidos na pansamantalang magkampo ng tropa nito sa limang sites gaya ng Basa Air Base sa Pampanga, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, Lumbia Air Base sa Cagayan de Oro, Antonio Bautista Air Base sa Palawan at Benito Ebuen Air Base sa Cebu.
Winika naman ng Pangulo na malapit nang ianunsyo ng Pilipinas at Estados Unidos ang apat na bagong sites.
Binanggit din ng Chief Executive na ang karagdagang lokasyon para sa EDCA ay gagamitin “to defend our eastern coast.”
“That’s also something we have to look out for,” ayon sa Punong Ehekutibo sabay sabing kailangan din na protektahan ng bansa ang katubigan sa silangan ng bansa partikular na ang Benham Rise.
Aniya pa, ang lokal na pamahalaan na walang pagtutol at hayagan nang nagpahayag ng suporta sa posibilidad na magsilbing host sa mga tropang Amerikano.
“We explained to them why it was important that we have that and why it will actually be good for their province,” aniya pa rin. Kris Jose
Hannah, abangers sa reaksyon ni Sharon sa kanyang kanta!

March 23, 2023 @9:30 AM
Views: 19
Manila, Philippines- Inamin ni Kapuso OST Princess na si Hannah Precillas na sobra siyang na-pressure sa paggawa ng single na Sa Aking Daigdig. Sa ngayon, ang nasabing single ay nasa top chart ng Spotify at iba pang platforms.
Iniisip ni Hannah nu’n ay kung magustuhan kaya ng new generation ang modernized version ng song. Bukod pa rito ay tinatanong din ni Hannah kung ano kaya ang sasabihin ng original singer na si Megastar Sharon Cuneta.
Ang song na Sa Aking Daigdig ay inawit ni Sharon bilang theme song ng movie na Kaputol ng Isang Awit. Si Sharon din ang bida sa pelikulang ýon na ipinalabas noong 1991 kasama sina Gary Valenciano at Tonton Gutierrez. Ang legendary composer na si Vehnee Saturno ang gumawa ng song.
Ani Hannah: “Hangad Ko lang na magustuhan ng tao ang modern version ng Sa Aking Daigdig. Pag pinakinggan mo ay tagos sa puso ang pagkakaawit ko. Hindi ako gaanong bumirit sa song.
“Palagay Ko naman di kailangan sa song ang pagbirit. Basta maawit ko lang ng tama at maunawaan ng listeners ang mensahe ng song bilang isang ballad ay okay na sa akin.”
Samantala, naaalala ng tao si Hannah bilang isa sa mga Marites sa hit soap na Maria Clara at Ibarra, na malapit na ngayong mapanood sa Netflix.
Ani Hannah: “Excited ako sa Maria Clara at Ibarra na mapapanood worldwide via Netflix, mapapanood ang another side of Hannah bilang artista.
“Totoong nag-enjoy ako sa soap. ‘Andoon ang hinahagaan kong si Julie Anne San Jose. Ang galing niya. Napapanganga ako sa kanya sa set. Mapapanood ang reaction ko sa mga eksena sa soap na kasama ko si Julie Anne.”
Sa ngayon, si Hannah rin ay kasama sa feature series ng Daig Kayo Ng Lola Ko.
Hanga siya sa mga bida, ang magka-love team na sina Barbie Forteza at David Licauco.
Feeling ni Hannah na ipinakita ng dalawa ang kailangang professionalism sa mga eksenang ginagawa sa Saturday series ng GMA 7. Nagkakaunawaan ang dalawa sa eksenang gagawin.
Kahit nagkakasunud-sunod ang paglabas ni Hannah sa mga TV series ng GMA, nasabi niyang ang pag-awit pa rin ang first love niya bilang entertainer. Noel Asinas
Caregivers welfare act, umarangkada sa Senado

March 23, 2023 @9:23 AM
Views: 16