Bawas-presyo sa petrolyo, posible ulit sa susunod na linggo

Bawas-presyo sa petrolyo, posible ulit sa susunod na linggo

September 30, 2022 @ 6:42 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Posible ulit sa susunod na linggo ang bawas-presyo sa produktong petrolyo.

Ito ay ayon kay Department of Energy Assistant Director Rodela Romero kung saan nasa P0.81 kada litro ang inaasahang rollback sa diesel samantala P0.84 naman ang tapyas sa presyo ng gasolina.

Mayroon naman P1.10 bawas sa presyo kada litro ng kerosene.

“Masyadong magalaw itong linggo na ito eh nagsimula noong Tuesday na mababa Wednesday nagsimulang tumaas so sa halip na malaki sana ang mararanasang rollback, eh nabawasan sya so hindi natin masasabi talaga kasi less than P1 na lang sa 2 produkto,” ani Romero.

Sa kabila nito, inihayag naman ng pinuno ng Jetti Petroleum na posibleng lumiit pa ang inaasahang rollback.

“Nakikita namin na ang potential trading for today hindi naman lalaki compared yesterday baka nakikita pa nga natin na baka konting baba pa so mapuprotektahan po ang na-compute natin na potential rollback pwedeng lumiit baka lumampas lang ng 50 pero mukhang positive naman na magkakarollback,” ani Leo Bellas ng Jetti Petroleum.

Kung hindi lamang sana umano sumadsad ang halaga ng piso kontra dolyar ay malaki-laki sana ang inaasahang bawas presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo. RNT/JGC