Bawas-presyo sa produktong petrolyo, posible ngayong linggo

Bawas-presyo sa produktong petrolyo, posible ngayong linggo

September 25, 2022 @ 12:03 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Posibleng magpatupad ulit ng panibagong bugso ng rollback o bawas presyo sa mga produktong petrolyo ngayong linggo.

Ito ang inihayag ng Unioil Petroleum Philippines sa kanilang weekly projection.

Inaasahan na simula sa Martes, Setyembre 27 ay posibleng bumaba ng P1.20 hanggang P1.30 kada litro ang presyo ng diesel.

Tapyas na P1.50 hanggang P1.60 kada litro ang inaasahan sa kada litro ng gasolina.

Hindi naman nagbigay ng impormasyon ang kompanya kung magkano ang magiging bawas presyo sa kada litro ng kerosene. RNT/JGC