Bawas-singil sa airfare, asahan sa Abril

Bawas-singil sa airfare, asahan sa Abril

March 16, 2023 @ 9:34 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Asahan na ng mga biyahero ang mas mababang airfares kasabay ng Semana Santa sa susunod na buwan sa pagbaba ng Civil Aeronautics Board (CAB) sa fuel surcharge level para sa Abril.

Sa abiso nitong Miyerkules, inanunsyo ng CAB na ibinaba ang passenger at cargo fuel surcharge para sa domestic at international flights sa Level 6 para sa April 1 hanggang 30, 2023.

Sa ilalim ng Level 6, sisingilin ang mga pasahero ng P185 hanggang P665 fuel surcharges para sa domestic flights at P610.37 hanggang P4,538.40 para sa international flights, depende sa layo ng flight.

Sa ilalim ng kasalukuyang lebel na Level 7, ang fuel surcharge para sa domestic passenger flights ay P219 hanggang P739 depende sa distansya, habang para sa international passenger flights mula sa Pilipinas, ang fuel surcharge ay P722.71 hanggang P5,373.69.

Ang fuel surcharge ay isang optional fee, bukod sa base fare, na maaaring ipasalo ng airlines sa mga pasahero para marekober ang halaga ng jet fuel.

Inihayag ng AirAsia Philippines ang development “is expected to cushion the effects of the volatile movement of fuel prices in the world market.”

“AirAsia Philippines will continue to work within the guidelines set by CAB on this matter,” anito.

“AirAsia Philippines will continue to reassure its guests that it will remain true to its promise of affordable world-class flights this 2023 as we soar towards full recovery,” dagdag ng airline.

Ayon naman sa Philippine Airlines, susundin nito ang “lower fuel surcharge matrix that will be applied for tickets that will be purchased next month.”

“We remain grateful [for] our customers’ loyalty through the years,” dagdag ng  PAL.

Samantala, wala pang pahayag ang Cebu Pacific hinggil dito. RNT/SA