Bawas-singil sa kuryente ngayong Pebrero – Meralco

Bawas-singil sa kuryente ngayong Pebrero – Meralco

February 9, 2022 @ 7:33 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Magandang balita para sa mga kustomer ng Manila Electric Company (Meralco) dahil inanunsyo ng kompanya ang bawas-singil sa kuryente ngayong Pebrero.

Ito na ang ikalawang sunod na buwan na tapyas-singil sa kuryente ng Meralco.

Sa isang pahayag na inilabas nitong Martes, sinabi ng power distributor na ang kabuuang rate para sa buwan ay bumaba ng ₱0.1185 kada kilowatt hour (kWh) o katumbas ng  ₱9.5842 kada kWh mula sa ₱9.7027 kada kWh na nairehistro noong Enero.

Nangangahulugan ito na ang mga tipikal na residential customer na kumokonsumo ng 200 kWh sa isang buwan ay dapat asahan na bababa ang kanilang mga singil sa kuryente ng humigit-kumulang ₱24, sinabi ng kumpanya.

Ang pinagsama-samang pagbawas sa singil mula noong Enero 2022 ay umabot na sa ₱39.

Ibinigay naman na dahilan ng Meralco sa nasabing tapyas-presyo ang mababang generation charges, na bumulusok sa ₱0.2305 kada kWh o katumbas ng ₱5.1957 kada kWh mula sa ₱5.4262 noong nakaraang buwan sa mas mababang gastos mula sa Independent Power Producers (IPPs) at Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

“Charges from the IPPs went down by ₱0.3395 per kWh due to higher plant dispatch of Quezon Power and First Gas – Sta. Rita. Quezon Power resumed normal operations in the January supply month after experiencing some outages and deration in December, while First Gas – Sta. Rita’s output increased following the completion of the scheduled maintenance outage of Module 10 in December,” ayon pa sa kompanya.

“The IPP charges also reflected a reimbursement from SPEX to First Gas covering a portion of incremental fuel cost incurred in relation to the use of liquid fuel during unplanned Malampaya gas supply restrictions. These were able to more than offset the increase in Malampaya natural gas prices resulting from its quarterly repricing, and an increase in coal prices,” dagdag pa ng Meralco .

Gayundin, bumaba rin ang singil ng WESM ng ₱13.1277 kada kWh dahil sa makabuluhang pagbaba sa mga pagbili ng WESM ng Meralco. RNT