BAWAS-SINGIL SA KURYENTE NGAYONG PEBRERO

BAWAS-SINGIL SA KURYENTE NGAYONG PEBRERO

February 10, 2022 @ 10:10 AM 8 months ago


MAGANDANG balita, may bawas singil sa kuryente ang Manila Electric Company ngayong Pebrero 2022.

ito na ang ikalawang sunod na buwang nagkaroon ng bawas-singil sa kuryente ngayong taon.

Sa abiso ng Meralco, nabatid na bababa ng 0.1185 kada kilowatt hour ang singil nila sa kanilang February bill.

Dahil dito, ang overall rate para sa buwan ng Pebrero ay aabot na lamang sa 9.5842 per kWh mula sa dating 9.7027per kWh noong Enero.

Katumbas ito ng Php 24 pesos na bawas sa bayarin ng mga tahanang kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan; halos Php 36 pesos naman sa mga nakakagamit ng 300 kWh na kuryente; Php 46 pesos sa mga kumukonsumo ng 400 kWh; at Php 59 pesos sa konsumong 500 kWh kada buwan.

Dahil dito, ang overall rate para sa buwan ng Pebrero ay aabot na lang sa 9.5842 per kWh mula sa dating 9.7027per kWh noong Enero.

-ooOoo-

VIRTUAL TOUR INILUNSAD NG DOT

 Inilunsad kamakailan ng DOT o Department of Tourism ang programang “ASMR” o ang “Autonomous Sensory Meridian Response Experience the Philippines” na naglalayon na hindi lamang maipakita ang kagandahan ng isang lugar kundi marinig ang natural na tunog ng lugar na para bang naroroon ka talaga.

Unang itinampok ang Mountain Province sa Cordillera Administrative Region kung saan dinala ang mga manonood sa isang virtual trekking mula sa Barangay Macalana sa bayan ng Barlig.

Mula sa 360-degree immersive sound video ay mararanasan ng mga manonood ang tunog n dumadaloy na tubig-ilog, ang pagaspas ng tubig, at tunog ng mga pang umaakyat ng bundok.

Ang proyektong “ASMR” ng DOT ay hango mula sa isang perceptual phenomenon sa experimental psychology. Ang sensasyong makukuha buhat sa mga aktuwal na tunog ay nagdudulot ng “contentment and relaxation” sa isang tao, ganito ang nararanasan ng isang turista.

Isa pang ASMR video na dapat abangan ay ang pagtungo sa tuktok ng Mt. Amuyao na siyang pinakamataas na bundok ng Mountain Province na nasa Barlig, may taas itong 839 meters.

Magkakaroon din ng ASMR ang Ilocos Norte at mga destinasyon sa Visayas at Mindanao.

Mapanonood ito sa webpage at sa YouTube channel ng DOT.