BAWAT BUHAY SAGIPIN, MAY PANAHON PA UPANG MAITAMA ANG PAGHAHANDA!

BAWAT BUHAY SAGIPIN, MAY PANAHON PA UPANG MAITAMA ANG PAGHAHANDA!

November 19, 2020 @ 9:33 PM 5 months ago

  •  
  •  
  •  

Malaking dagok  ang kinahaharap ng ating mga kababayang sinalanta ng hagupit ni Ulysses.

Sa paglisan ng bagyo, naiwan nito ang anyo ng sira-sirang kabahayan at kabuhayan.

Sa kasagsagan ng unos, may nagbuwis din ng buhay habang ginagampanan ang serbisyo para sa bayan.

At kasamang inilubog ni Ulysses sa katubigan at putik ang pangarap ng ilan nating mga kababayan.

Hindi tayo naghahanap ng sisi sa mga pangyayaring ito, ang paglitaw ng mga bagyo at iba pang kalamidad ay hindi kayang pahintuin ng sinomang tao.

Ang magagawa lamang natin ay maglaan ng additional na solusyon o control measures bilang paghahanda sa paparating pa lang na kalamidad at kasamang mabigyan ng  proteksyon hindi lamang ang mga kababayan nating sinalanta kundi pati na rin ang mga rescue team, emergency responder, emergency repair and maintenance team at iba pa.

Matatawag nating aksidente ang nangyari kay Henry Kelly Villarao, isang kawani ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Ayon sa isang TV news program na nag-cover sa probinsya ng Cagayan, kabilang si Villarao sa Quick Response Team na sumaklolo sa mga biktima ng pagbaha sa kanyang probinsya. Nahagip ng isang nakalaylay na high tension wire ang likod ni Kelly habang sakay ng isang speedboat.

Agarang isinugod sa ospital si Villarao ng kanyang mga kasama subalit idineklara itong ‘Dead on Arrival.’

Sa Facebook post ni Secretary Mark Villar ng Department of Public Works and Highways, nag-alay siya ng dasal para sa limang kawani nito na sina Roldan Pigoh, Joel Ballag Chur-ig, Johnny Duccog, Julius Gulayan at John Mutug Limoh, pawang mga nagbuwis din ng buhay magampanan lang ang kanilang tungkulin para sa bayan.

Sa pamamagitan ng mga pag-aaral at pagsusuri gamit ang science and technology, importanteng matutunan at maihanda ang mga dagdag na contingency plan, prevention at mitigation measure upang maagapayan at masiguro ang kaligtasan ng mga nasa frontline sa panahon ng kalamidad.

Alamin ang pagiging epektibo nito sa pamamagitan ng inspeksyon at pagmo-monitor sa bawat implementasyon ng rescue operation, emergency response, emergency repairs and maintenance at iba pa.

Sagipin ang bawat buhay, may panahon pa upang maitama ang bawat paghahanda.

Ipinahahatid natin ang pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi at maituturing na mga bayani. Salute and Rest in Peace Comrades!

∞∞∞

Psalm 107:28 “Then they cried to the Lord in their trouble, and he delivered them from their distress.”

∞∞∞

Para sa inyong mga komento, suhestiyon, sumbong o tanong kung papaano maging isang safety officer, mag-text sa +639455238284 o mag-email sa [email protected]


  •  
  •  
  •