Bayad-danyos sa ‘comfort women’, isinusulong ni Hontiveros

Bayad-danyos sa ‘comfort women’, isinusulong ni Hontiveros

March 14, 2023 @ 8:20 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Naghain si Senator Risa Hontiveros nitong Lunes ng Senate resolution na humihikayat sa Philippine government na tuparin ang treaty obligations nito sa ilalim ng Convention on the Elimination of all forms of Discrimination against Women (CEDAW) at magbigay ng “just and meaningful” na baya-danyos sa World War 2 “comfort women” at kanilang mga pamilya.

“The advances made by the Philippines to address gender inequality and sexual violence in contemporary times only highlight the inexcusable fight for victims of wartime sexual violence… There is only a small window of time to make meaningful reparations as many of the survivors have already passed away and the few that remain are in their twilight years,” ani Hontiveros.

“It is therefore of extreme urgency that the Philippine government take immediate measures to provide reparations to the survivors and the families of victims of the wartime sexual violence of the Japanese Imperial Army,” dagdag niya sa kanyang resolusyon.

Nitong nakaraang linggo, sinabi ng United Nations Committee on the Elimination of Discrimination Against Women na hindi naisakatuparan ng Pilipinas ang mga obligasyon nito sa ilalim ng CEDAW.

Ang convention ay isang international legal instrument kung saan nire-require ang mga bansa na alisin ang diskriminasyon laban sa mga kababaihan at isulong ang kanilang pantay na karapatan.

Inirekomenda ng komite na makatanggap ang complainants mula sa gobyerno ng “full reparation, including recognition and redress, an official apology and material and moral damages.”

Batay sa press release sa United Nations Office of the High Commissioner on Human Rights website, napag-alaman ng komite na nilabag ng Philippine government ang karapatan ng “comfort women” sa pagpalya na maibigay ang “reparation, social support and recognition commensurate with the harm suffered.”

Ang mga reklamo na inihain ng 24 Filipina, kapwa mga miyembro ng Malaya Lolas (Free Grandmothers) – isang non-profit organization na sumusuporta sa sexual slavery survivors, ang naging basehan ng desisyon.

Nanawagan din ang Commission on Human Rights sa pamahalaan na ibigay ang full reparations at paghingi ng patawad ng Japanese government sa mga pagdurusa ng “comfort women.” RNT/SA