Bayad ng Paeng victims na ‘di  makakukuha ng bar exam ibabalik ng SC

Bayad ng Paeng victims na ‘di  makakukuha ng bar exam ibabalik ng SC

November 3, 2022 @ 11:56 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Humingi ng refund ang bar examinees na hindi kakayanin na kumuha ng pagsusulit ngayong Nobyembre bunsod ng matinding epekto ng Severe Tropical Storm Paeng (STS Paeng).

Ito ang inihayag ni Office of the 2022 Bar Chair na si Associate Justice Alfredo Caguioa matapos ang desisyon na ituloy ang bar exams sa Nobyembre 9, 13, 16 at 20.

“Examinees who may be unable to take the 2022 Bar Examinations as scheduled for the foregoing reason may apply for a refund of their bar fees with the Office of the Bar Confidant (OBC) through their BAR Plus registered email addresses,” aniya.

Simabi ni Caguioa na maari ring maging opsiyon ng examinees na i-apply na lamang ang ibinayad na bar fee sa susunod na exams na itinakda sa Setyembre 2023.

Sa pahayag ni Caguioa, batid aniya nila na ilang lugar ang nasa ilalim ng state of calamity gaya ng Regions IV-A (CALABARZON), V (Bicol Region), VI (Western Visayas) at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Nagsagawa ang SC ng initial assessment sa mga lugar na pagdarausan ng bar exams at tiniyak ng lahat ng Local Testing Centers (LTCs) at Local Government Units (LGUs) na handa na sila para sa 2022 Bar Examinations gaya ng unang itinakda.

“For purposes of ensuring the fairness of each decision that may be made with respect to the Bar Examinations, the Court, in balancing the needs of all the examinees, has considered both those who may have been adversely affected by STS Paeng and are informally requesting its postponement, as well as those who are keen on taking it as scheduled, lest their lives be put on hold for longer,” ayon kay Caguioa.

Kailangan aniyang ikonsidera ng korte ang ilan daang tauhan at volunteers na naghanda para maging matagumpay ang naturang examinasyon.

Simabi ni Caguioa na malaki ang epekto ng pagpapaliban ng bar exams ngayong Nobyembre sa susunod na bar examination na nakatakda naman sa September 2023.

“Taking all of these under consideration, it is the examined position of the Court that the 2022 Bar Examinations on November 9, 13, 16 and 20, 2022 will push through as scheduled.” Teresa Tavares