Bayad sa Smartmatic pina-hold muna

Bayad sa Smartmatic pina-hold muna

May 12, 2022 @ 5:47 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pinigil muna ang pagbabayad sa Smartmatic dahil sa napakaraming aberya sa mga vote counting machines (VCM) sa katatapos lamang na May 9 national at local elections.

Sa press conference sa Philippine International Convention Center (PICC),

sinabi ni John Rex Laudiangco, acting spokesperson ng Comelec, na iniimbestigahan na ang mga alegasyon sa mga VCMs at nanawagan na hayaan muna ng publiko na matapos ang proseso.

Ayon kay  Laudiangco, kailangang hintayin pa rin ang resulta ng imbestigasyon at ipag-utos ng Commission en banc kung maba-blacklist ng Comelec ang Smartmatic.

May panuntunan kasi kung paano madidiskuwalipika ang isang contractor sa ilalim ng  Government Procurement Act na dapat sundin.

“Masyado pang maaga because investigations are ongoing and may assessement under the Government Procurement Act,” sabi ni  Laudiangco.

Nauna nang inihayag ni Comelec Commissioner George Garcia na hindi na nila gagamitin ang mga VCM ng Smartmatic sa midterm election  dahil sa pagiging luma na nito tanda ng pagkasira ng mga units nitong Mayo 9. Jocelyn Tabangcura-Domenden