BAYAD SA VIOLATIONS NG NCAP, NASAAN NA?

BAYAD SA VIOLATIONS NG NCAP, NASAAN NA?

September 5, 2022 @ 6:51 PM 3 weeks ago


NANAWAGAN si 1-Pacman Partylist Rep. Mikee Romero na “now that the Supreme Court has issued a TRO against the policy, the concerned agencies and LGUs should reimburse the alleged violators the fines collected from them.”

Marahil, ang Korte Suprema ang makasasagot n’yan kapag naglabas na ito ng hatol. Sa ngayon, malaking pasalamat ng public transport, motorista at mga iba pa sa Korte Suprema na naglabas ng TRO laban sa NCAP.

Pero posible bang ma-refund ang ibinayad na multa sakaling ideklara ng Supreme Court na unconstitutional ang NCAP ng mga LGU? O kaya ay excessive ito at dapat bawasan?

Hindi ba’t kapag nagbayad ka ng multa sa traffic ito ay napupunta sa general funds? Kaya mahihirapan ng i-refund sa tao?

Dapat ngayon pa lang ay paghandaan ng LGUs yan.

Saan nga ba napupunta ang ibinayad na multa sa NCAP ng LGU?

Suriin natin ang ordinansa No. 3052 series of 2021 ng Quezon City at nandoon ang kasagutan. At dahil isa lang naman ang private contractor ng ibang LGU ay maaring ganito rin ang tema:

Section 4 : NCAP TRUST FUND – the fines, and applicable surcharges and interest, collected by the City government for violations identified and captured through the NCAP shall be placed in a NO-CONTACT APPREHENSION PROGRAM TRUST FUND which shall be SEPARATE AND DISTINCT FROM THE TRAFFIC DEVELOPMENT TRUST FUND, THE CITY GENERAL FUND, and all other trust funds made for other purposes.
THE NCAP TRUST FUND SHALL HAVE ITS OWN BANK ACCOUNT TO WHICH THE CITY GOVERNMENT HAS ACCESS FOR THE IMPLEMENTATION OF THE NCAP BY THE CITY GOVERNMENT, ON ITS OWN, OR THROUGH A JOINT VENTURE, SERVICE AGREEMENT, OR OTHER APPLICABLE MODE.

Ibig sabihin ang multa na nakolekta mula sa NCAP ay hindi napupunta sa general fund ng LGU kung hindi sa isang trust fund na hindi lamang ang LGU ang may access KUNDI PWEDE ANG JOINT VENTURE (Kasama ang private contractor?) Service Agreement or other mode.

Kaya kapag enforcer ang nakahuli sa’yo, ang multa na binayaran mo ay sa general fund PERO kapag sa NCAP pasok ito sa NCAP TRUST FUND.

Sino naman ang nangangasiwa sa NCAP trust fund kundi ito kabahagi ng general fund?

Ang TRUST FUND COMMITTEE.
Sec 5. TRUST FUND COMMITTEE – The City Mayor SHALL CREATE AN NCAP TRUST FUND REVIEW AND APPROVAL COMMITTEE which shall be responsible for the documentations AND LIQUIDATION of the proceeds of the NCAP TRUST FUND, subject to the applicable rules and regulations of the Commission on Audit and other applicable laws.