Bayan muna kay Pangulong Duterte: ‘hindi naman kami umaasa na siya’y pupunta rito

Bayan muna kay Pangulong Duterte: ‘hindi naman kami umaasa na siya’y pupunta rito

July 23, 2018 @ 10:52 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Hindi umaasa ang mga protestanteng haharap pa sa kanila si Pangulong Rodrigo Duterte sa magaganap na ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte mamaya (July 23).

Ayon kay Secretary General ng Bayan Muna na si Renato Reyes Jr., hindi sila umaasa na haharapin sila ng pangulo at wala rin naman silang hangarin na papuntahin ang pangulo sa kanila.

“I do not think lalabas pa ang pangulo mukhang nagsalita na ang Special Assistant of the President na walang balak ang pangulo na bumaba at kami naman ho ay wala naman kaming hangarin na siya ay pumunta pa dito,” ayon pa kay Reyes.

Kahapon (July 22), inihayag ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go na hindi na haharapin ng Pangulo ang mga protestante dahil sa ginawa nitong pagsunog sa kaniyang mukha.

Gayunpaman, binigyang diin naman ni Go na ito ay karapatan ng bawat isa dahil sa ‘freedom of expression’ kung kaya’t welcome daw ang sinumang mag protesta sa mismong araw ng SONA. (Remate News Team)