Bayan nagbabala vs  ‘disinformation overdrive’ sa papalapit na eleksyon

Bayan nagbabala vs  ‘disinformation overdrive’ sa papalapit na eleksyon

April 30, 2022 @ 5:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nagbabala ang Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) nitong Sabado sa publiko na maging mapagbantay laban sa maling impormasyon sa nalalapit na Halalan 2022.

“As we near election day, makakakita tayo ng disinformation overdrive,” ani Bayan secretary general Renato Reyes Jr. sa isang media forum na inorganisa ng InfraWatch PH.

“Towards the homestretch, bubuhos talaga ang lahat ng klase ng disinformation to sway the voters, influence the voters one way or another,” aniya pa.

Iginiit ng pinuno ng grupo na dapat mag-ingat ang publiko sa lahat ng uri ng maling impormasyon dahil maaari naman silang magsagawa ng fact-checking.

Nauna nang sabihin ng Commission on Elections (Comelec) na hihingi ito ng tulong mula sa National Bureau of Investigation at sa Philippine National Police upang hulihin ang mga nasa likod ng pagpapakalat ng fake news  hinggil sa electoral process at sa poll body, ayon sa opisyal nito noong Lunes. RNT/SA