Bayan ng Pilar sa Abra niyanig ng magnitude 5.2 quake

Bayan ng Pilar sa Abra niyanig ng magnitude 5.2 quake

August 28, 2022 @ 10:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Tumama ang magnitude 5.2 na lindol sa bayan ng Pilar sa Abra ngayong Linggo ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Tumama ang tectonic tremor struck sa Pilar kaninang alas-2:27 ng madaling araw. May lalim ito na apat na kilometro, Unang naitala ng Phivolcs ang lindol na may magnitude na 5.5 at lalim na 7 km.

Base sa ahensya, naramdaman ang Intensity 5 o “strong” na pagyanig sa mga bayan ng Pilar, Bangued, at Bucay sa Abra, habang Intensity 4 o “moderately strong” na pagyanig naman ang naiulat sa Banayoyo, Ilocos Sur at San Fernando, La Union.

Posibleng mayroong pinsala at inaasahan din umano ang aftershocks, dagdag pa nito.

Sinabi rin ng Phivolcs na ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 7 na lindol na tumama sa lalawigan noong Hulyo 27 kung saan limang indibidwal ang nasawi at marami ang nasugatan.

Hanggang nitong Agosto 20, nakapagtala ang ahensya ng 4,511 aftershocks. Mahigit 1,100 ay plotted earthquakes habang 68 ang naramdaman. Pumapalo ang magnitude ng aftershocks mula 1.4 hanggang 5.1. RNT/SA