Bayan sa Antique isinailalim sa state of calamity sa oil spill

Bayan sa Antique isinailalim sa state of calamity sa oil spill

March 8, 2023 @ 9:26 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Isinailalim na sa state of calamity ang munisipalidad ng Caluya sa Antique dahil sa oil spill na nakaapekto sa mga katubigan nito, partikular ang baybayin ng Sitio Sabang sa Barangay Tinogboc; Toong, Banua Proper, at Sitio Balibao sa Barangay Semirara, at Sitio Liwagao sa Barangay Sibolo.

“The oil spill can lead to a possible widespread environmental and health hazards all throughout the islands of the municipality, which is detrimental to public health and economic well-being of the residents, most especially the fisherfolks, shell collectors, and seaweed farmers composing the majority and the marginalized sectors of our society,” saad sa resolusyon.

Ang mga residente sa mga apektadong lugar, kabilang ang mga nasa barangay Alegria, Sibato, at Imba, ay umaasa nang husto sa mga apektadong katubigan para sa kanilang kabuhayan, dagdag ng resolusyon.

Lumalabas sa pinakahuling datos ng Coast Guard District Western Visayas (CGDWV) na 6,298 pamilya na binubuo ng 22,020 indibidwal ang naapektuhan ng insidente.

Sinabi ng CGDWV, sa ulat ng sitwasyon nito, na may kabuuang 190 sako ng mga oily waste ang nakolekta mula sa baybayin ng Sitio Sabang sa Barangay Tinogboc noong 12:45 p.m. sa Martes. Gayunpaman, pansamantalang itinigil ang clean-up operation dahil sa high tide. RNT