Bayan sa Biliran, nasa ‘state of calamity’ dahil sa Chikungunya

Bayan sa Biliran, nasa ‘state of calamity’ dahil sa Chikungunya

August 1, 2018 @ 12:51 PM 4 years ago


Biliran – Isinailalim na sa state of calamity ang munisipalidad ng Maripipi sa Biliran dahil sa kaso ng chikungunya.

Nasa 79 na kaso ng chikungunya na ang naitala simula noong April hanggang kahapon o dalawa kada araw ayon kay Dr. Gabby Velasquez ng Department of Health.

Aniya, hindi pa kabilang dito ang mga pasyenteng nagpakonsulta sa mga health center.

Karamihan sa mga tinamaan nito ay mga nasa edad 40 pero mayroon ding mga naitalang mga kabataan at mga senior citizen.

Pero ayon sa local government, nauubusan na sila ng stock ng mga gamut gaya ng antihistamine, paracetamol, pain reliever at vitamins.

Samantala, nagpapatuloy naman ang paglilinis sa mga lugar sa kanilang bayan at inabisuhan na rin ang mga residente na pagibayuhin pa ang pag-iingat sa mga lamok. (Remate News Team)