Bayan sa Ilocos Sur niyanig ng magnitude 4.8 quake – Phivolcs

Bayan sa Ilocos Sur niyanig ng magnitude 4.8 quake – Phivolcs

July 30, 2022 @ 11:45 AM 1 week ago


MANILA, Philippines- Niyanig ng magnitude 4.8 earthquake ang Magsingal, Ilocos Sur onitong Biyernes ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Tumama ang tectonic earthquake ng alas-9:58 ng gabi. Na-trace ang epicenter nito limang kilometro southeast ng Magsingal at may lalim na walong kilometro.

Naramdaman ang Intensity IV  sa Bangued, Abra at Bantay, Ilocos Sur — dalawang lugar na apektado ng Magnitude 7.0 na lindol sa Abra nitong Miyerkules.

Naitala rin ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

  • Intensity III: Vigan at Sinait, Ilocos Sur

  • Intensity II: Pasuquin at Laoag City, Ilocos Norte.

Nauna nang iulat ng Phivolcs na nakapagtala ng 1,132 aftershocks mula sa lindol nitong Miyerkules, kung saan 296 ang plottable at 28 ang naramdaman sa mga apektadong lugar.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council, nasa sampu na ang naiuulat na nasawi sa kalamidad. RNT/SA