Bayanihan, Bakunahan 2 ipagpapaliban sa ilang lugar dahil sa bagyo

Bayanihan, Bakunahan 2 ipagpapaliban sa ilang lugar dahil sa bagyo

December 14, 2021 @ 11:40 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Pumayag si Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang ikalawang round ng national vaccination drive sa ilang lugar dahil sa banta ng bagyo.

“Approved na. Visayas, Mindanao, Mimaropa, and Bicol Region are postponed to December 20,” ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.

Nauna na kasing inerekomenda National Task Force (NTF) Against COVID-19 ang pag-uusog ng vaccination drive sa Disyembre 20 hanggang 22 dahil sa Tropical Storm Rai, na inaasahan na papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) anumang araw ngayon.

Kabilang sa mga lugar na ito ang Southern Tagalog, Central Visayas, Eastern Visayas, at Northern Mindanao.

Gayunman, tuloy pa rin ang vaccination drives sa Northern Luzon, Central Luzon, at Calabarzon na unang itinakda bukas, Disyembre 15. Magtatagal ito hanggang Disyembre 17.

Ang tropical storm ay papasok sa PAR, Martes ng gabi at papangalanang Odette, ayon sa weather bureau PAGASA.

“As of 3 a.m., Rai was located at 1,380 kilometers east of Mindanao with maximum sustained winds of 85 kilometers per hour with gustiness up to 105 kph and moving northwestward at 30 kph,” ayon sa ulat.

Sinabi ng PAGASA na magla-landfall si Odette sa bisinidad ng Caraga o Eastern Visayas araw ng Huwebes, sa tanghali o sa gabj.

Maaari rin na umabot si Odette sa typhoon category. Kris Jose