Bayanihan Caravan ni Cayetano umayuda sa health workers sa Batangas at nasunugan sa Marikina

Bayanihan Caravan ni Cayetano umayuda sa health workers sa Batangas at nasunugan sa Marikina

February 18, 2021 @ 2:30 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Muling binisita ni dating Speaker Alan Peter Cayetano ang probinsya ng Batangas at ang lungsod ng Marikina, Huwebes, para magpamahagi ng grocery packs sa barangay health workers (BHWs), barangay nutritionists, at barangay day care center workers sa bayan ng San Pascual.

Bahagi ng Bayanihan Caravan na inilungsad ni Cayetano noong Oktubre, nagawang mapamahagian ni Cayetano ang 139 BHWs, 42 barangay nutritionists, at 29 barangay day care workers sa Batangas.

SAMANTALA, Inayudahan din ni Cayetano ang mga nasunugan sa Barangay Tumana sa Marikina.

Nagbigay ang mambabatas ng mga kagamitan pantulong sa muling pagtatayo ng mga kabahayan ng mga nasunugan sa barangay.

Kabilang sa kanyang inayuda ang sako ng semento, ilang mga appliances tulad ng stove, water dispenser, at bintilador, maging ang health packs sa 25 pamilya na nawalan ng bahay sa sunog noong Nobyembre 2020.

Layon ng Bayanihan Caravan ang asistihan ang mga pamilyang Filipino para makabangon sa sakuna at nararanasang pandemya.

Target ng personal na proyekto ni Cayetano ang health workers, public transport drivers, market vendors, at women leaders. RNT


  •  
  •  
  •