Bayanihan E-Konsulta may alok nang mental health services

Bayanihan E-Konsulta may alok nang mental health services

November 2, 2022 @ 7:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Tatlong buwan makalipas muling ilunsad ang Bayanihan E-Konsulta na sinimulan sa panunungkulan ni dating Bise President Leni Robredo, ngayon ay may-alok nang mental health services sa naturang telemedicine platform.

Ayon kay Dr. Keisha Mangalili, operations head ng Bayanihan E-Konsulta, sa ngayon ay nakatanggap na sila ng 70 patient requests sa konsultasyon kaugnay ng mental health mula noong Oktubre 28.

Sasailalim sa psychosocial assessment ang mga pasyente upang matukoy ang tamang paggagamot sa mga ito.

Binubuo ang naturang teleconsultation service ng mga lehitimong psychologists, psychiatrists, counselors at psychometricians.

Ani Mangalili, plano nilang makipag-ugnayan sa iba’t ibang institusyon upang mas marami pa ang matugunan nila ng mga mental health concerns.

Simula nang buhayin ang Bayanihan E-Konsulta noong Hulyo 25 ay nakapagserbisyo na ito sa halos 4,000 pasyente.

“Many cases that we see are being treated at home. We offer support through monitoring and sending of our COVID care kits,” pahayag ni Mangalili.

“We would still prefer to implement for at least indoors ‘yung masking since not all facilities would have proper ventilation that would help reduce the risk of having COVID,” dagdag niya. RNT/JGC