Bayaw sinabihang tamad, palamunin; hipag chinapchop

Bayaw sinabihang tamad, palamunin; hipag chinapchop

September 11, 2020 @ 5:06 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Hindi na nakatiis kaya pinagtatadtad ng taga ng isang kelot na paligian umanong binubulyawan at binubungangaan ng kanyang hipag at sabihang palamunin at tamad sa Baliwag, Bulacan.

Kinilala ang nasawi na si Susan Juego habang tumakas naman ang suspek na si Edwin Vicente kapwa residente ng Brgy. Sta. Barbarra.

Base sa impormasyon, nangyari ang pananaga nitong umaga sa Aldama, Brgy. Sta. Barbara.

Ayon kay Leticia Mallari, nakatatandang kapatid ng biktima, tinadtad ng taga ng suspek si Susan hanggang sa humandusay at mamatay ito.

Wala umano siyang magawa habang tinatadtad ang kanyang kapatid ng suspek dahil nakasara ang pintuan ng kanyang bahay.

Sinabi pa niyang agad naman pumasok sa loob ng bahay ang suspek at ilang saglit ay lumabas ito at tumakas sa gawing likuran ng bahay na pawang bukirin.

Aniya, ilang Linggo na at halos araw-araw nag-aaway ang dalawa habang nitong huli ay sinabihan ng biktima ang suspek na tamad at limang buwan na nitong pinalalamon.

Sinabi naman ng taga-punerarya na tatlo ang tama sa leeg habang tapyas naman ang kabilang tenga hanggang mapingas ang batok at sugat sa kamay na umano’y posibleng ipinansalag habang tinataga.

Nanawagan naman ng hustisya ang kaanak ng biktima at sa agarang pagdakip sa suspek.

Tinututukan naman ng pulisya ang naturang kaso para mahuli ang suspek. Dick Mirasol III


  •  
  •  
  •  

Loading...