Baybayin sa Masbate nagpositibo sa red tide

Baybayin sa Masbate nagpositibo sa red tide

October 8, 2022 @ 3:00 PM 2 months ago


MASBATE- Nagpaalala sa publiko ang tanggapan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bicol region nitong Biyernes na mahigpit na ipinagbabawal kainin ang mga lahat ng uri ng shellfish matapos magpositibo sa red tide sa baybaying sakop ng Milagros, Masbate.

Ayon kay Nonie Enolva, tagapagsalita ng BFAR – Bicol, nagpositibo sa paralytic shellfish toxin o red tide ang kinuha nilang sample sa baybaying dagat ng Milagros.

Pinayuhan ng BFAR-Bicol ang publiko na huwag munang kumuha, kumain at magtinda ng lahat na klase ng shellfish sa nasabing lugar.

Maari naman kainin ang isda basta linisin ng maayos at lutuin ng mabuti para maiwasan magkasakit.

Samantala, binawi na ng BFAR-Bicol red tide alert na ipinalabas nitong October 6, sa lungsod ng Sorsogon matapos mag negative sa red tide toxin sa isinagawang confirmatory testing, laboratory examination ang kinuhang samples mula sa Sorsogon Bay.

Sinabi ni Enolva na ligtas ng kainin ang lahat ng uri ng shellfish na manggagaling sa Sorsogon. Mary Anne Sapico