BB Gandanghari, napagod kay Papa P!

BB Gandanghari, napagod kay Papa P!

November 20, 2020 @ 6:02 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippimes- Matatandaang nitong buwan ng Setyembre sinimulan ni BB Gandanghari ang serye ng kanyang mga rebelasyon tungkol sa umano’y relasyon nila ni Piolo Pascual.

 

Bagama’t hindi direktang tinukoy ng transwoman si Piolo (pero ginamitan ng alias) ay obvious namang ito ang pinatutungkulan ni BB.

 

Mag-isang namumuhay si BB sa Amerika at paggawa ng mga vlogs ang pinagkakaabalahan niya sa loob mismo ng kanyang rented apartment.

 

Hugas-kamay si BB sa pagsabing, “I’m not outing Piolo.” Na kay Piolo na raw kung aamin ito o hindi. Ang kay BB ay ibinabahagi lang niya ang kanyang kuwento.

 

Sa kabila ng kanyang hamon na sagutin ni Piolo ang kanyang expose ay bigo si BB na i-provoke ito. To this day, Piolo has not dignified the issue.

 

Mas marami ang sumuporta kay Piolo kaysa kay BB na binansagang nag-iingay lang para maging relevant at pag-usapan.

 

Tila napagod na rin si BB sa kanyang expose dahil pagkatapos ng September ay hindi na nasundan ang kanyang mga vlogs maliban sa mga pang-araw-araw niyang aktibidad to fight sheer boredom dala ng pag-iisa. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •  

Loading...