Bb. Pilipinas 2021 coronation sa Araneta, pinayagan ng IATF

Bb. Pilipinas 2021 coronation sa Araneta, pinayagan ng IATF

July 9, 2021 @ 6:29 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagsasagawa ng grand coronation night ng Binibining (Bb.) Pilipinas 2021 sa Smart Araneta Coliseum.

Kinumpirma ito ni presidential spokesperson Harry Roque, Biyernes

Ani Roque na ang pageant organizers, candidates, at guests ay kinakailangang sumunod sa itinakdang minimum public health standards sa nasabing okasyon.

“Approved is the holding of the Binibining Pilipinas 2021 Coronation Night at the Smart Araneta Coliseum strictly following the submitted health and safety protocols,” ani Roque.

Kinakailangang sumailalim ng lahat ng dadalo sa RT-PCR test at magpresenta ng negatibong resulta, 48 oras bago ang koronasyon.

Sa Hulyo 11, 9:30 ng gabi gaganapin ang Bb. Pilipinas 2021 grand coronation.

Nasa 34 contestants na representante ng bansa ang nag-aagawan para sa Bb. Pilipinas crowns. RNT