BBL, oks na sa BICAM

BBL, oks na sa BICAM

July 13, 2018 @ 2:11 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Hatinggabi na ng pormal na tapusin ng mga senador at kongresista ang Bicameral Conference Committee kung saan hinimay ng mga mambabatas upang mabuo ang isang Bangsamoro Basic Law mula sa ang dalawang bersyon ng Kongreso.

Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas tinapos ng mga mambabatas ang deliberasyon ng alas-12:15 ng Biyernes na pasok pa rin sa unang schedule na pagtalakay sa BBL mula Lunes hanggang  Biyernes.

Ani Farinas, siya at si Senate Majority Leader Migz Zubiri ay binigyang kapangyarihan ng Bicameral Conference Committee na isapinal ang report at muling magpupulong ang mga kinatawan ng Kongreso sa Martes, July 17 upang aprubahan ang iisang bersyon na nabuo.

Pagkatapos maaprubahan ay agad na isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte ang bicam report para ito ay ikunsidera.

“If he finds it to his approval, we will have it ratified in plenary by the House of Representatives and the Senate when we convene our 3rd Regular Session on Monday, July 23 at 10:00 am for it to be signed into law by the President on or before the SONA at 4:00 pm,” sinabi pa ni Farinas.

Kabilang sa naging mainit ang debate sa isyu ng teritoryo at plebisito na matapos konsultahin ng liderato ng Kongreso si Pangulong Duterte ay minarapat ng mga ito na i-adopt o ang sundin ay ang nasa bersiyon ng Kamara na nagpapahintulot na masakop ng Autonomous Region of the Bangsamoro (ARB) na siyang ipapalit sa Autnomous Region of Muslism MIndanao ang anim na munisipalidad ng LanaoĀ  del Norte at 39 barangay ng Cotabato kung ito ay aaprubahan ng lalawigan kung saan ito nabibilang. (Meliza Maluntag)