BBL, pinaplantsa na lang – Senator Zubiri

BBL, pinaplantsa na lang – Senator Zubiri

July 14, 2018 @ 5:18 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Sa pagtaya ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, nasa 99% na sila ng pinagsamang bersyon ng Bangsamoro Basic Law.

“99 percent na po ang achievements namin. May mga one percent pa na hindi pa namin natatapos,” ayon sa panayam nito sa isang radyo.

Sa ngayon aniya ay pinaplantsa na lang ng bicameral conference committee ang panukalang batas.

Ayon kay Zubiri, hindi dapat madaliin ito para masigurong hindi sila magkakamali at manatili itong naayon sa Saligang Batas.

Ngayong linggo, tinalakay ng bicam ang mga bersyon ng Mataaas at ng Mababang Kapulungan para pag-isahin para sa panukalang BBL na papalitan ang Autonomous Region in muslim Mundanao. (Remate News Team)