Manila, Philippines – Sinimulan ng plantsahin ng mga senador at kongresita na bumubuo sabicameral conference committee ang kontrobersyal na Bangsamoro Basic Law (BBL).
Kinumpirma ni House Majority Leader Rodolfo Farinas na siyang chairman ng delegado ng mga kongresista sa bicam committee na tatrabahuin nila BBL mula ngayong Lunes July 9 hanggang July 13, Biyernes upang ito ay umabot sa SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 23.
Sa bicameral conference ay paplantsahin ng mga kongresista at mga senador ang mga kontrobersyal na probisyon sa BBL na parehong magkahiwalay na ipinasa ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Pakiusap ni Fariñas sa mga kapwa mambabatas na dapat nakalapat sa konstitusyon ang mga probisyon ng BBL dahil siguradong may kukuwestyon nito sa Supreme Court.
âWe have to be guided by the Constitution.”
Batay sa mga naunang kasunduan ng Kamara at Senado na i-adapt o tanggapin na ang mga madadaling probisyon at saka pagdebatihan ang posibleng magiging constitutional issues.
Ang bicam ay kasalukuyang ginagawa sa Crowne Plaza sa Ortigas, Pasig City kung saan may 29 na mambabatas ang kabilang dito.
Kapag naipasa na sa bicam ay babalik ang napagkasunduang bersyon ng BBL sa Senado at Kamara upang ito ay ratipikahan sa umaga ng July 23 upang malagdaan ng pangulo bago ang State of the Nation Address nito sa hapon. (Meliza Maluntag)