BBM bill inihain na sa Kamara

BBM bill inihain na sa Kamara

July 6, 2022 @ 5:27 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inihain sa Malaking Kapulungan ng Kongreso ang P1.5 Trilyong Bayanihan 3 upang masuportahan ang Bayan Bangon Muli agenda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Ang House Bill 271 o ang National Economic Stimulus and Recovery Act of 2022A ay naglalayong matustusan ang unang tatlong taon ng administrasyong Marcos upang makalikha ng milyong trabaho at maiangat ang ekonomiya ng Pilipinas na napilay at sa krisis dulot ng Covid-19 pandemic at Russia-Ukraine conflict.

Ang HB 271 ay inakda nina Camarines Sur Reps. LRay Villafuerte, Tsuyoshi Anthony Horibata at Miguel Luis Villafuerte, kasama si Bicol Saro Partylist Rep. Nicolas Enciso VIII na naka-sentro sa pagpapatuloy sa nasimulan ng administrasyong Duterte na imprastraktura “but this time, such investments will be focused on building and improving facilities for HEAL IT, which stands for Health, Education, Agriculture, Livelihood, Information Technology (IT) and Tourism.”

Giit ni Villafuerte na ang panukala ay naka-angkla aniya sa mga naunang priority legislation na binanggit ni incoming Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa 19th Congress na tinawag na Bayan Bangon Muli (BBM) bill alinsunod sa mga naunang Bayanihan to Heal as One (Bayanihan 1) at Bayanihan to Recover as One (Bayanihan 2) na naging batas noong 2020 bilang tugon ng gobyerno sa pandemya.

Banggit ni Romualdez na ang panukalang “Bayan Bangon Muli bill stimulus package ay magpapalakas sa resources ng gobyerno bago matapos ang 2022 at bago makapagpasa ng mga panukala na kailangan sa pandemya.

“Anchored on the premise that the poor are provided employment and income-earning opportunities, this measure will prioritize the funding of projects that target infrastructure building down to the barangay level,” ayon sa pahayag ng apat na Bicolanong mambabatas.

Ang malalaking proyekto ito ayon pa rin sa panukala ay ipatutupad alinsunod sa “Balik Probinsiya Program,” na dinesensyo upang maisulong ang pag-unlad sa kanayunan, at mabawasan ang siksikang populasyon sa mga kalunsuran lalo na sa Kamaynilaan.

“Infrastructure shall be the backbone of our economy following the insight of almost all respected economists and recognized policymakers. Therefore, although palliative measures such as cash transfers, unemployment dole-outs, relief, and other forms of immediate amelioration support are undoubtedly necessary now, it is in the interest of the government, the private sector, and the Filipino people at large that a lasting cure for economic resilience be established.” Meliza Maluntag