BBM camp kumambyo: Korap hahabulin

BBM camp kumambyo: Korap hahabulin

May 27, 2022 @ 11:50 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Kumambyo ang kampo ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. ukol sa mga nakabinbing kasong graft at katiwalian ng mga opisyal ng gobyerno, at sinigurong hahabulin ang mga ito, sinabi ni incoming press secretary Trixie Cruz-Angeles nitong Huwebes.

Nauna na kasing sinabi ni Marcos Jr. na hilig niyang “kalimutan ang nakaraan” at hahabulin na lang ang mga korap na politiko sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Nauna na kasing tinanong ang incoming president ng bansa ukol sa sa isyu ng korapsyon sa loob ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at sa Bureau of Customs (BOC).

“Ah corruption? Kalimutan na lang natin ‘yung nakaraan. Sasabihin natin, ‘Ah sige that’s not under my watch, hindi ako, hindi ako namamahala noon eh. Ngayon ako na namamahala, so wala nang ganyan,” ani Marcos.

Nilinaw naman ito ni Angeles.

“Siyempre, magpapatuloy ang mga nakabinbing kaso, dahil nakabinbin ang mga kaso.”

“I think the approach as you had expounded in previous interviews is not to concentrate too much on fault finding or on sins of the past because in his words, ‘Ako na ang namamahala ngayon’,” giit pa niya.

“Yun ang lawak ng sinasabi niya. I cannot expound more on that. We will probably require a more clear or precise policy on this one since he was just freely speaking his mind this morning,” dagdag pa ng incoming press secretary.

Nauna nang sinabi ni Marcos Jr. na lalabanan niya ang “endemic” na katiwalian sa gobyerno, simula sa Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR). RNT