BBM camp nagpaliwanag sa pag-itsapwera sa ilang media networks

BBM camp nagpaliwanag sa pag-itsapwera sa ilang media networks

May 27, 2022 @ 8:00 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Walang polisiya ang kampo ni incoming president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ilimita lamang sa 3 networks ang magi- interview kay Marcos at iitsapuwera ang ilang media networks sa coverage.

Ang paliwanag ni Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos na ang sit-down interview ni Marcos kasama ang SMNI News, Net25, at GMA ay nauna nang commitment mula sa kanila na ngayon lamang napagbigyan.

Sinabi pa ni Rodriguez na ang commitment ay nangyari noon pang campaign period para sa 2022 elections.

“It’s not the policy of the incoming Marcos administration to exclude. Ang tanging kadahilanan lang kung bakit nagpaunlak si President-elect Bongbong Marcos ng panayam kaninang umaga sa Net25, SMNI, GMA 7, sapagkat ito ‘yung commitment na binigay ng aming media team noong kampanya dito sa tatlong network na agad nang nagpasabi na kung saka sakaling manalo si then candidate Bongbong Marcos, maaari ho ba kaming mapagbigyan ng one-on-one interview,” ayon kay Rodriguez.

Aniya pa, sabay-sabay na ginawa ang sit-down interview ng tatlong networks “ para maging patas.”

“It doesn’t mean we intend or have intended to exclude anyone, no,” ani Rodriguez.

Samantala, pinasalamatan naman ni Rodriguez ang mga miyembro ng media para sa news coverage ni Marcos, sabay sabing ang press briefing, araw ng Huwebes, Mayo 26 ang huli niya bilang tagapagsalita ni Marcos.

Si Rodriguez ay itinalaga ni Marcos bilang kanyang Executive Secretary. Kris Jose