BBM, COMELEC, KONGRESO PINASASAGOT NG SC SA DG CASE

BBM, COMELEC, KONGRESO PINASASAGOT NG SC SA DG CASE

May 23, 2022 @ 6:26 PM 1 month ago


PINASASAGOT ng Supreme Court ang kampo ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang Commission on Elections ukol sa disqualification case laban sa una.

Pinasasagot din ng SC ang Senado at ang Kamara sa petisyon na isinumite nina Fr. Christian Buenafe at iba pang kasamahan ng mga ito.

Sa En Banc Resolution,  pinasasagot ang mga respondent sa loob ng 15 araw makaraang matanggap ang ‘notice’ ukol sa mga alegasyon na hindi nabigyan ng tamang proseso ang petisyon na isinampa sa Comelec laban kay Marcos.

“WHEREAS, considering the allegations contained, the issues raised and the arguments adduced in the Petition, without necesssarily giving due course thereto, it is necessary and proper to REQUIRE the respondents to COMMENT on the petition and prayer for temporary restraining order,” ayon sa SC.

Sa inihaing kasing petisyon noong Mayo 16, kinuwestiyon ng grupo nina Bue-nafe ang mga resolusyon ng Comelec na may petsang Enero 17, 2022 at Mayo 10, 2022, na nagbabasura sa petisyon nila kontra kay BBM.

Nakasaad pa sa kanilang petisyon na nararapat na tanggihan o kanselahin ng Comelec ang inihaing ‘Certificate of Candidacy’ ni Marcos para sa posisyon ng Pangulo ng bansa.

Samantala ikinatwiran ng grupo ni Buenafe na nakagawa ng krimen ukol sa ‘moral torpitude’ at perjury si Marcos dahil sa maling nakalahad sa kanyang COC sa kaniyang ‘eligibility’sa pagtakbo kaugnay sa kaso ng hindi pagbabayad ng buwis ganong napakababang kaso ito.

Susunog na pangyayari, abangan!

UNTOUCHABLE KAY HEPE ISON

Bookies ng lotteng ni Ka Tessie ang namamayagpag sa San Pablo, Laguna na hindi hinuhuli ng kapulisan ng naturang lalawigan.

Hanggang ngayon, hindi kumikilos si Laguna chief of police Col. Cecilio R. Ison Jr. sa talamak na iligal na pasugalan ni Aling Tessie.

Bakit, may padulas na ibinibigay ni Aling Tessie sa mga pulis?